US, nagpatupad na ng curfew sa 25 siyudad kaugnay ng malawakang protesta sa pagkamatay ng isang African-American

45

Nagpatupad na ng curfew ang 25 syudad mula sa 16 na estado sa Estados Unidos kasunod ng malawakang kilos-protesta dahil sa pagkamatay ng African-American na si George Floyd.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga nasabing estado ang California, Colorado, Florida, Georgia, Illinois, Kentucky, Minnesota, New York, Ohio at Oregon.


Sinabi ng New York City Police Department na aabot sa 100 katao ang kanilang naaresto mula sa mga raliyista kasabay ang pagsunog sa 15 nilang sasakyan sa Manhattan at Brooklyn.

Bunsod nito, nagpadala na ng daan-daang miyembro ng national guard sa iba’t ibang estado maging sa District of Columbia ang mga otoridad.

Facebook Comments