Nagkasundo ang Pilipinas at Estados Unidos na palakasin ang kooperasyon laban sa COVID-19 pandemic at paglaban sa kriminalidad at ilegal na droga.
Matatandaang nag-courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte si United States Defense Secretary Lloyd Austin III sa Malacañang kagabi.
Sinabi ni Austin na nais ng US na pagtibayin ang ugnayan nito sa Pilipinas na itinuturing nilang “equal sovereign partner.”
Palalakasin din ang kooperasyon lalo na sa pandemic response, paglaban sa transnational crimes, kabilang ang ilegal na droga, maritime domain, rule of law at trade and investments.
Ipinaabot din ni Austin ang pagbati ni US President Joe Biden kay Pangulong Duterte.
Ang Pentagon Chief na si Austin ay unang miyembro ng gabinete ni Biden na bumisita sa Southeast Asia ngayong linggo.
Bago ang Pilipinas, unang binisita ni Austin ang Vietnam at Singapore.
Nagtagal ang pag-uusap nina Pangulong Duterte at Austin ng 75 minuto.