US National Guards, mas mahigpit ang ginawang pagbabantay sa US Capitol dahil sa nalalapit na inagurasyon ni US President-elect Joe Biden

215
Photo Courtesy: Business Insider

Mas pinaigting pa ng United States National Guard ang pagbabantay sa US Capitol para sa nakatakdang inauguration ni President-elect Joe Biden sa Enero 20, 2021.

Ito ay matapos sumugod ang mga taga-suporta ni outgoing US President Donald Trump sa US Capitol bilang protesta sa pagkapanalo ni Biden.


Dahil dito, libo-libong armadong National Guardsmen ang nagbabantay kasabay ng paglalagay ng mataas na bakod na may makapal at paikot na razor wire sa paligid ng nasabing gusali.

Kasabay nito, inihayag ni Trump na sa umaga na lamang ng inauguration ni Biden siya aalis ng Washington.

Facebook Comments