US Navy aircraft, bumagsak sa karagatang sakop ng Okinawa, Japan; Philippine Navy, wala pang natatanggap na ulat kaugnay sa isinasagawang search and rescue operation sa Philippine sea

Manila, Philippines – Wala pang impormasyong natatangap ang Philippine Navy kaugnay sa official statement ng United States 7th Fleet na isang Navy Aircraft ng Amerika na may sakay na 11 crew at pasahero ang bumagsak sa karagatang sakop ng Southeast ng Okinawa Japan dakong alas-2:45 ng hapon

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Captain Lued Lincuna, patuloy pa rin nilang inaalam ang insidente.

Batay pa sa official statement ng US 7th fleet, maging sa karagatang sakop ng Pilipinas ay nagsasagawa na ng search and rescue operation ang mga US Navy sakay ng US Navy aircraft carrier USS Ronald Reagan.


Sa ngayon inaalam pa ng US 7th fleet ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.

Facebook Comments