Manila, Philippines – Nagsagawa ng tatlong araw na joint military drill sa sea of Japan ang US navy carrier kasama ang ilang mga barkong pandigma ng Japan at India.
Isinagawa ito sa harap ng lumalalang tensyon sa rehiyon dahil sa bantang nuclear test ng North Korea.
Ayon sa Imperial Japanese Navy, malaking tulong ang maritime exercise para mapabuti ang fighting skill ng kanilang mga Hukbong Pandagat.
Samantala, pinangangambahang lalong tumindi ang tensyon sa Korean peninsula dahil sa pagbisita ni US President Donald Trump sa South Korea.
Kabilang kasi sa inaasahang matatalakay nina Trump at President Moon Jae-In ang development sa nuclear weapon ng North Korea.
Facebook Comments