Sinibak sa pwesto si US Navy Chief Richard Spencer dahil sa bigo nitong paghawak sa kaso ng isang navy seal.
Ang naturang kaso ay kaugnay sa isang navy seal na si Edward Gallagher, na hinatulan matapos magpakuha ng litrato sa isang bangkay ng Islamic state militant na kanilang napatay.
Ayon kay US Defense Secretary Mark Esper, nawalan ito ng tiwala kay Spencer dahil sa kumalat na pribadong usapan nito sa White House na taliwas sa kanyang ipinahahayag sa publiko.
Si Gallagher ay inakusahan din ng pamamaril sa mga sibilyan sa Iraq noong 2017 at idinemote ngunit iniakyat muli ni US President Donald Trump matapos ang ilang buwan.
Facebook Comments