Japan – Wasak ang kanang bahagi ng isang US Navy destroyer makaraang mabangga ng isang Philippine-registered na merchant vessel sa Southeast part ng Yokosuka, Japan.
Sa report ng US Navy – pitong crew member ng USS Fitzgerald ang patuloy na pinaghahanap habang isa ang napaulat na sugatan.
Sinasabing nasira rin ang radar system ng barko sa lakas ng pagkakabangga kung saan agad pinasok ng tubig ang kanang bahagi ng USS Fitzgerald.
Samantala – wala pang inilalabas na update sa kalagayan ng barkong mula sa pilipinas maliban na lamang sa report na isang uri ito ng container ship.
Sa ngayon – nakikipag-ugnayan na ang Philippine Coast Guard sa kanilang counterparts sa Japan hinggil sa insidente.
Facebook Comments