US Navy, tumutulong na sa pag-aayos ng nasunog na BRP Alcaraz sa India

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tumutulong na ngayon ang US Navy’s Naval Systems Command (NAVSEA) para ayusin ang nasunog na BRP Ramon Alcaraz sa Cochin India.

Ayon sa kalihim, nabili sa Estados Unidos ang BRP Alcaraz kaya ang US Navy ang tumutulong ngayon para ayusin ito.

Ginagamit rin ngayon ng Defense Department ang kasalukuyang diplomatic mechanism at defense cooperation sa pagitan ng India para mas mapabilis ang pag-aayos ng nasunog na barko sa India at makabalik na sa bansa.


Una nang iniulat ni Philippine Navy Spokesperson Lieutenant Commander Maria Christina na nitong May 7, 2020 ng gabi nang masunog ang BRP Alcaraz matapos umalis sa Cochin Port sa India pabalik sa Pilipinas, convoy ang isa pang barko na BRP Davao Del Sur.

Sa sunog na nagtagal ng sampung minuto, sugatan ang dalawang crew ng BRP Alcaraz na ngayon ay patuloy nang ginagamot.

Facebook Comments