US, pinagkakatiwalaan pa rin ng nakararaming Pinoy – SWS

Mataas pa rin ang tiwala ng mga Pilipino sa Estados Unidos.

Base sa first quarter 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS), nakakuha ang USA ng trust rating na +60 o katumbas na “very good”.

Kapwa “good” trust rating naman ang nakuha ng Japan (+34) at Australia (+33).


Ang China nakakuha lamang ng -6 o “neutral” trust rating.

Napansin din ng SWS na nananatiling positibo ang net trust ng mga Pilipino sa Estados Unidos mula nang isagawa ang unang survey noong December 1994, kung saan ang ratings ay mula sa moderate (+18) noong May 2005 hanggang sa excellent (+82) noong December 2013.

Sa 49 na survey na isinagawa ng SWS mula noong August 1994, siyam na beses lamang naging positibo ang net trust ng China.

Ang survey ay isinagawa mula March 28 hanggang 31 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa buong bansa.

Facebook Comments