Nakatakdang magpulong sina US President Joe Biden at South Korean President Moon Jae-in sa Mayo.
Pag-uusapan ng dalawang lider ang pagpapalakas ng kanilang bilateral alliance at kooperasyon para makamit ang “complete denuclearization” at kapayapaan sa Korean Peninsula.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng kumpirmasyon na gagawin ding pulong nina Biden at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga sa Washington.
Una rito, ibinunyag ng Biden administration na nasa huling yugto na sila ng pag-aaral ng polisiya nito sa North Korea kung saan hinihikayat din nito ang trilateral cooperation sa Seoul at Tokyo para sa pagtugon sa nasabing isyu at iba pang regional security concerns kabilang ang China.
Facebook Comments