Kapwa kinondena nina US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris ang dumaraming kaso ng hate crimes laban sa mga Asian-Americans.
Kasunod ito ng pamamaril sa walong katao sa mga spa kung saan anim dito ay mga babaeng Asyano.
Ayon kay Biden, dapat ng ipasa ng mga senador ang panukalang batas na nagbibigay ng mabigat na parusa sa mga nagsasagawa ng hate crimes.
Giit naman ni Harris, hindi dapat manahimik ang bansa sa nagaganap na hate crimes at kailangan ito ay mahinto na.
Facebook Comments