US President Biden, nanawagan ng patuloy na kooperasyon ng Pilipinas sa global health at security issue

Kasabay ng ika-123 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, hiniling si United States President Joe Biden ang patuloy na kooperasyon ng Pilipinas sa gitna ng nararansang pandemya at tension sa rehiyon.

Sa kaniyang mensahe, kinilala ni Biden ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Amerika kasabay ng 75th anniversary ng diplomatic relations ng dalawang bansa gayundin ang 70th anniversary ng Mutual Defense Treaty.

Aniya, ang Pilipinas at Amerika ay napakarami ng kasaysayan na pinagsamahan at magkakakonekta ang mga mamamayan dahil sa malalim na ugnayan at mga sakripisyo.


Umaasa si Biden na patuloy pang magtutulungan ang Pilipinas at Amerika para labanan ang COVID-19 at ang mga paparating pang pandemya.

Facebook Comments