US President Donald Trump, aminadong magiging ‘tense’ ang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping

Manila, Philippines – Inamin ni US President Donald Trump na magiging ‘tense’ ang nakatakdang pagpupulong niya kay Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay Trump, hindi siya papayag na magkaroon ng malawakang trade deficit at kawalan ng mga trabaho bagay na tumutukoy sa mga American company na nagmamanufacture sa China.

Sa kabila naman ng mga batikos ni Trump sa China noong panahon ng kampanya, tiniyak ngayon ng mga US officials na hindi nito gigisahin si Xi Jinping sa kanilang pagpupulong.


Ngayong buwan ng Abril gaganapin ang dalawang araw na meeting ni Trump at Xi.

Facebook Comments