US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un, magkakaroon ng second summit

Magkakaroon ng ikalawang summit sa pagitan ni US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un bago matapos ang buwan ng Pebrero.

Ito ang inanunsyo ng White House, matapos na makipagkita ni Trump sa nuclear negotiator ng Pyongyang, North Korea.

Ang anunsyong ito ay ginawa, matapos rin ang mga espekulasyon kaugnay sa pagbisita ni Kim Yong Chol, isang dating spy chief at nagmarka ng palatandaan ng denuclearization effort sa Singapore sa June 12.


Ayon kay White House Spokesperson Sarah Sanders, tumagal ng higit isang oras ang usapan nina Trump at Chol, kung saan natalakay ang denuclearization at ang nakatakdang second summit, at ia-anunsyo na lamang kung saan ito idaraos.

Facebook Comments