Amerika – Kumpirmado na ang pagkikita ni U.S. President Donald Trump at Pope Francis.
Ito ay matapos na itakda na ng Vatican ang pagpupulong ng dalawang lider sa May 24.
Natuloy ang meeting nina Trump at ng Santo Papa sa kabila ng magkasalungat na posisyon ng dalawa sa isyu ng immigration, refugees at climate change.
Magugunitang una ng nagkainitan ang Santo Papa at ang U.S. Chief Executive makaraang kwestyunin ng 80-year-old pontiff ang planong pagtatayo ni Trump ng border wall sa Mexico na tinawag na hindi maka-Kristyano ang planong ito ng business mogul.
DZXL558
Facebook Comments