Manila, Philippines – Kinumpirma ng White House ang pagdalo ni US President Donald Trump sa 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na gaganapin sa Pilipinas sa Nobyembre.
Aminado naman ang White House na nagdadalawang isip pa si Trump na bumisita sa bansa pero hinikayat ito ng mga Asian leaders nang dumalo siya sa united nations general assembly sa New York.
Makakasama ni Trump ang asawang si Melania na unang bibisita sa Japan, South Korea, China, Vietnam at Pilipinas mula Nobyembre 3-14.
Dadalo din ito sa Asia-Pacific Cooperation Forum na gaganapin sa Vietnam.
Ang pagdalo naman nito sa China ay bilang pagbabalik pabor sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping na bumisita sa US noong Abril.
Facebook Comments