
Hindi napigilang banatan ni US President Donald Trump si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa White House.
Sa joint press conference ng dalawang lider, sinabi ni Trump na hindi naging maganda ang pakikitungo ng nakaraang administrasyon sa Amerika na tila mas pumabor sa China.
Bagama’t hindi pinangalanan, sinabi ni Trump na hindi naging maganda ang pakikitungo ng nakaraang administrasyon sa Amerika.
Giit ni Trump, tila hindi nito alam ang ginagawa nila pagdating sa foreign policy.
Dagdag pa ni Trump, wala namang masama kung gusto ng Pilipinas na makipag-ugnayan sa China, pero mahalaga raw ang alyansa ng bansa sa Amerika.
Tahimik namang ngumiti si Pangulong Marcos sa pahayag ng US president.
Matatandaang noong panahon ni Duterte, tila lumayo ang Pilipinas sa Amerika at mas pinaboran ang China, bagay na kinwestyon ni Trump.









