US President Donald Trump, binatikos ang China dahil sa walang aksyon sa missile test ng North Korea

World – Binanatan ni US President Donald Trump ang China dahil hindi nito pagkilos para mapigilan ang missile program ng North Korea.

Sa twitter post, nadismaya si Trump sa China dahil sa hindi nila paggalaw.

Aniya, madali lamang ang hiling niya sa China na kausapin lamang ang North Korea.


Bago ito, matatandaang pinapurihan ni Trump si Chinese President Xi Jinping.

Ginawa ni Trump ang pahayag kasunod ng pinakahuling pagpapakawala ng North Korea ng kanilang missile na tumama sa karagatang bahagi ng Japan.

Facebook Comments