US President Donald Trump, binisita ang mga biktima ng mass shooting sa Las Vegas, Nevada

World – Personal na binisita ni US President Donald Trump ang mga sugatang bikitma ng mass shooting sa Las Vegas, Nevada.

Kasama ni Trump sa pagbisita sa university medical center si first lady Melania Trump, House Majority Leader Kevin Mccarthy, Nevada Congressman Mark Amodei at Nevada Senator Dean Heller na may mga constituents na napatay sa insidente.

Pinuri rin ng pangulo ang staff ng ospital dahil sa agad na pagresponde at pagbibigay lunas sa mga biktima ng madugong pamamaril na ikinamatay ng 59 tao at ikinasugat ng mahigit 500 iba pa.


Patuloy pa ring inaalam mabuti ng mga otoridad ang motibo ng suspek na si Stephen Paddock kung saan iniimbestigahan na rin nila ang kasintahan nitong si Marilou Danley na bumiyahe mula sa Pilipinas.

Facebook Comments