Manila, Philippines – Kinumpirma ni US President Donald Trump ang kanyang pagdalo sa East Asia Summit na gaganapin sa Pilipinas.
Ito’y matapos niyang maka-usap si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatapos ng 30th ASEAN Summit.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kabilang sa napag-usapan ng dalawang lider ang pagtitiyak ni Trump sa alyansa ng Pilipinas at Amerika at ng interes nito na magkaroon ng mainit na working relationship kay Duterte.
Gaganapin ang East Asia Summit sa Pilipinas sa darating na Nobyembre na inaasahang dadaluhan ng sampung bansang miyembro ng ASEAN, Amerika, Australia, China, India, Japan, New Zeland,Russia at South Korea.
Facebook Comments