
Make the Philippines great again.
Ito ang bilin ni US President Donald Trump kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanilang pagkikita sa White House.
Sa joint press conference ng dalawang lider sa White House, ipinahayag ni Trump ang buong suporta sa independent foreign policy ni Pangulong Marcos, partikular sa hangarin nitong palawakin ang pakikipag-ugnayan sa labas ng mga nakagawiang kaalyado ng bansa.
Sinabi rin ni Trump na hindi siya nababahala kung anuman ang aksyon ni PBBM laban sa China para sa interes ng Pilipinas.
Kasunod nito sinabi naman ni Pangulong Marcos na walang kailangang timbangin sa relasyon ng bansa sa US at China dahil ang foreign policy ng Pilipinas ay independent.
Ayon sa Pangulo, nananatiling pinakamalakas na kaalyado ng Pilipinas ang Estados Unidos, ngunit mahalagang palawakin ang ugnayan sa iba pang bansa na nirerespeto ang international law at mga demokratikong pagpapahalaga, lalo na ang paggalang sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).









