US President Donald Trump, nagdeklara ng National State of Emergency kaugnay sa COVID-19

Pormal na idineklara ni US President Donald Trump ang National State of Emergency kahapon kaugnay sa pangamba ng pandemic COVID-19 sa Estados Unidos.

Ayon kay Trump ito ay para magamit ang mahigit 50 billion dollar o mahigit 2.6 trillion pesos na emergency fund para labanan ang naturang sakit.

Dagdag pa ni Trump na ilalaan ang naturang pondo para sa mga lugar na tinamaan ng COVID-19.


Ipinag utos na rin ni Trump ang agarang pagpapatayo ng mga Emergency Operation Center.

Facebook Comments