Washington – nag-walk out si U.S. President Donald Trump sa ginanap na pagpupulong ng democratic leaders kaugnay sa ika-19 na araw ng government shutdown sa Estados Unidos.
Kasama ni Trump sa nasabing pulong sina Speaker Nancy Pelosi at Senate President Chuck Schumer.
Ayon kay sen. Schumer, sinabi ni Trump na ‘total waste of time’ ang kanilang pulong.
Hindi kasi pumayag sina Pelosi at Schumer sa hinihingi ni Trump na budget para sa border security.
Una nang iginiit ng democratic leaders na bukas silang hanapan ng solusyon ang usapin lalo nat nakasalalay dito ang kapakanan ng mga mamamayan partikular ang mahigit 800,000 empleyado ng federal government.
Facebook Comments