Nagsampa ng kaso ang American Civil Liberties Union (ACLU) at ilan pang grupo laban kay US President Donald Trump matapos hagisan ng security forces nito ng pepper balls at smoke bombs ang mga raliyista sa labas ng White House.
Ayon sa ACLU, labag sa karapatan ng mga demonstrador ng Black Lives Matters at individual protesters ang ginawa ni Trump kasama ang ilang top officials nito.
Hindi rin anila tamang paulanan ng chemicals, rubber bullets at sound cannons ang mga nagpo-protesta dahil marami na ang nasaktan.
Ang kabi-kabilang protesta sa United States (US) ay bunsod ng pagkamatay ng African-American na si George Floyd sa kamay ng mga pulis.
Facebook Comments