Iminungkahi ni President-elect Joe Biden na gumastos ng $1.9 trillion ang gobyerno para sa rescue plan sa mamamayan ng Amerika sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Biden na $1 trillion ang ibibigay na tulong sa mga mamamayan ng Amerika; $400 billion para sugpuin ang COVID-19; habang $440 billion ang ilalaan sa mga komunidad at mga apektadong negosyo.
Maliban dito, ibinahagi rin ni Biden ang kaniyang multi-trillion dollar stimulus package proposal bilang tugon sa laban sa COVID-19.
Kabilang din sa prayoridad na tulungan ni Biden ay ang mga nawalan ng trabaho kung saan dadagdagan ang kanilang mga benepisyo kasama ang vaccination plan at minimum wage hike ng kanilang manggagawa.
Facebook Comments