Inilatag na ni US President Joe Biden ang first tranche ng kanilang sanctions laban sa Russia matapos itong nagsimulang salakayin ang Ukraine.
Ayon kay Biden, pinutol na nila ang gobyerno ng Russia na mamuhunan sa mga western countries dahilan para hindi na ito kumita.
Inanunsyo rin ni Biden ang pag-freeze sa mga foreign assets ng VEB at military bank ng Russia dahilan para pagbawalan silang magamit ang financial system ng Amerika.
Gayundin ang ginawa ng European Union at Britain laban sa limang bangko ng Russia at pinatawan ng travel ban sa United Kingdom ang tatlong Russian billionaires.
Itinigil na rin ng bansang Germany ang isang malaking gas pipeline project na mula sa Russia.
Nagbabala naman si Biden na handa siyang gumawa ng mas matitinding parusa kapag nagpatuloy ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Samantala, nagbabala si North Atlantic Treaty Organization Chief Jens Stoltenberg na naghahanda ang bansang Russia ng isang ‘full-scale’ attack matapos makitaan ng patuloy na paggalaw ng russian forces laban sa Ukraine.