Maaari nang simulan sa Abril 19 ang COVID-19 vaccine eligibility ng Estados Unidos sa kanilang mga residenteng may edad 18 pataas na nais magpabakuna.
Kasunod ito ng kautusan ni US President Joe Biden na iusog mula sa dating target na petsa na Mayo bilang paghahanda sa maliit na pagtitipon ng mga residente ng Estados Unidos sa kanilang Independence Day sa Hulyo 4.
Ipinagmalaki rin ni Biden na umabot na sa 150 milyong dose ng bakuna ang naipamahagi, 75 na araw mula nang siya ay maupo sa puwesto.
Sa kabila nito, nagpaalala si Biden sa kanilang mga residente na hindi pa tapos ang ‘life and death race’ ng kanilang bansa sa COVID-19 dahil sa mga umusbong na bagong Coronavirus variants.
Facebook Comments