US President Joe Biden, nagpaabot ng mensahe kasabay ng pagdiriwang ng Filipino American History Month

Nagpaabot ng mensahe si US President Joe Biden sa mga Filipino-Americans na nasa Amerika kasabay ng pagdiriwang ngayong buwan ng Filipino American History.

Sa inilabas na mensahe ni President Biden kahapon, kinilala nito ang mga Filipino-Americans dahil sa natatanging serbisyo at sakripisyo sa gitna ng COVID-19 pndemic.

Sa katunayan, 4% aniya ng mga nurses sa bansa ay mga Filipino-Americans kung saan karamihan ay nasawi na rin dahil sa virus.


Sa Estados Unidos, malaki ang respeto ng bansa sa mga Filipino-Americans dahil sa natatanging ambag lalo na noong panahon ng World War II at Delano Grape Strike.

Facebook Comments