US President Joe Biden, nakikiramay sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Nagpaabot si US President Joe Biden ng kanyang pakikidalamhati sa sambayanang Pilipino at sa pamilya Aquino sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sa isang statement na inilabas ng US Embassy, sinabi ng presidente ng Amerika na si Aquino ay naging mahalagang kaibigan at “partner” ng Estados Unidos.

Maaalala aniya si Aquino bilang isang lider na naglingkod nang may integridad at dedikasyon.


Kinilala rin ni Biden ang commitment ni Aquino sa pagtataguyod ng kapayapaan, rule of law, at pang-ekonomiyang pag-unlad, habang isinusulong ang isang “rules based international order” na nakakahangang pamana sa Pilipinas.

Nag-iwan aniya ng legacy si Aquino sa Pilipinas at sa abroad na hindi makakalimutan sa mga darating na taon.

Sinabi pa ni Biden, pinapahalagahan niya ang panahong nagkasama sila ni Aquino sa pagtatrabaho.

Facebook Comments