Nanindigan si US President Joe Biden sa desisyon nitong bawiin ang US troops sa Afghanistan matapos na tuluyang masakop ng Taliban group ang bansa.
Ayon kay Biden, ang pagsuko ng Afghan army na lumaban sa militanteng grupo at pag-alis ng mga lider ng ibang bansa ang dahilan kaya nasakop ng Taliban ang Afghan.
Sinisi rin ni Biden ang dating presidente ng Amerika na si Donald Trump dahil sa pagsuporta nito sa Taliban na maituturing na pinakamalakas na pwersa ng militar simula noong 2001.
Nitong Lunes, dinagsa ng mga residente ng Afghanistan ang Kabul airport upang makaalis sa kanilang bansa.
Facebook Comments