World – Bukas si US President Donald Trump na pag-usapan ang pag-amyenda ng gun control law sa Amerika.
Kasunod na rin ito ng nangyaring mass shooting sa Las Vegas, Nevada kung saan limamput siyam ang namatay habang nasa mahigit limang daan ang sugatan.
Ayon kay Trump, kakausapin niya sa mga susunod na araw ang mga mambabatas para sa pag-amyenda ng nasabing batas.
Base sa batas na ipinapatupad sa Nevada, bawat residente ay may karapatan na magkaroon ng sariling baril para sa seguridad at pang depensa, ganoon din sa lawful hunting at recreational use.
Hindi rin kailangan ng permits para bumili ng baril o lisensya at kahit ilang baril ay puwedeng magkaroon ang isang tao.
Legal din sa Nevada ang pagdadala ng baril maging sa casino, bar at sa mga polling precincts.