Amerika – Binweltahan na naman ni US President Donald Trump ang Russia dahil sa umano’y bigo nitong pakikipagtulungan para pigilan ang Nuclear Program ng North Korea.
Sabi ni Trump, walang ginagawa ang Russia ‘di tulad ng mga aksyon ng China laban sa NoKor.
Kasabay nito, pinuri ng US President ang China sa pagsunod nito sa international sanctions.
Ang batikos ay kasunod ng balitang tinulungan ng Russian tankers na mag-refuel ang barko ng NoKor noong nakalipas na araw.
Facebook Comments