Manila, Philippines – Idinetalye ng Department of Foreign Affairs ang ilan sa mga high lights o schedule ng biyahe ni US President Donald Trump sa Pilipinas.
Ang Pilipinas ang final stop ng 12 day 5 nation trip ni Trump.
Ayon kay DFA Asec Rob Bolivar, base sa schedule na ibinigay ng Amerika si Trump ay nasa Mla para sa Special Gala Celebration kaugnay ng 50th anniversary ng ASEAN sa Nov 12 dadalo din ang pangulo ng pinaka makapangyarihang bansa sa mundo sa ASEAN-US Summit sa November 13.
Samantala, inaayos narin ng Pilipinas at ng Estados Unidos ang bilateral meeting sa pagitan ng 2 presidente.
Ang 31st ASEAN ay pamumunuan ng Pilipinas sa ilalim ng Duterte Administration at gaganapin ito sa Nov 10 – 13 2017.
Samantala, sa ilang post ng Int’l website tulad ng Washington post, ABC News sinabi na hindi matutuloy si Pres. Trump sa Pilipinas.
Hindi naman idinetalye pa ang rason hinggil sa umano’y pagkansela ng biyahe ni Trump sa bansa.