Sa kabila ng hindi pa matigil na pangha-harass sa mga Pilipinong mangingisda sa sariling karagatan, muling tiniyak ng Estados Unidos ang kanilang commitment para mapaigting pa ang regional security sa ASEAN.
Ayon sa Embahada ng Estados Unidos, bibisita si US Secretary of Defense Lloyd Austin III sa Pilipinas sa ikaapat na pagkakataon sa susunod na linggo.
Bahagi ito ng ika-12 official visit ni Austin sa rehiyon kung saan bago ang Pilipinas ay magtutungo muna siya sa Australia.
Pagkatapos niyan ay tutungo na si Secretary Austin dito sa bansa kung saan makipagpupulong siya sa mga opisyal ng pamahalaan gayundin sa mga sundalo ng Pilipinas at US.
Susundan din ito ng pagbisita ng kalihim sa Laos at Fiji para makilahok sa serue ng bilateral at multilateral meetings.
Ayon sa US Embassy, patuloy ang kooperasyon ng Amerika sa mga bansang katulad nila ang layunin upang mapalakas pa ang seguridad sa rehiyon.