US Secretary of State Antony Blinken, bibisita sa Pilipinas upang makipagkita kina Pangulong Marcos Jr. at DFA Secretary Manalo

Pupunta sa susunod na linggo sa Pilipinas si US Secretary of State na si Antony Blinken.

Sa isang pahayag ng US Embassy, nakatakdang makipagkita kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa August 6.

Dito ay inaasahang tatalakayin ang bilateral talks upang palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika sa pamamagitan ng pagpapaigting ng kooperasyon sa enerhiya, kalakalan, pamumuhunan.


Kasama rin sa pag-uusapan ang pagsulong ng democractic values at maging pagbangon sa COVID-19 pandemic.

Si Pangulong Marcos Jr. ay may nabinbing imbitasyon mula kay US President Joe Biden upang bumisita sa Washington.

Ito ang unang pagbisita ng US Secretary of State sa Pilipinas matapos ang tatlong taon kung saan bumisita si Mike Pompeo noong February 2019.

Facebook Comments