Nasa bansa na si US Secretary of State Antony Blinken.
Ayon sa US Embassy, lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Blinken sa Villamor Airbase kagabi, araw ng Biyernes Agosto 5.
Sinalubong ito ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, Department of Foreign Affairs (DFA) Chief of Protocol Fred Santos at Office of American Affairs Assistant Secretary JV Chan-Gonzaga.
Ayon kay US State Department spokesperson Ned Price, nakatakdang makipagkita si Blinken kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan tatalakayin ng dalawa ang pagpapalakas ng ugnayan ng US at Pilipinas partikular sa usapin ng energy, trade at investment.
Nabatid na ito ang kauna-unahang pagbisita ni Blinken sa bansa.
Bago nito, galing si Blinken sa Combodia matapos na dumalo sa US-ASEAN Ministerial Meeting, the East Asia Summit Foreign Ministers’ Meeting, at ASEAN Regional Forum.