US Secretary of State, humingi ng paumanhin sa kalihim ng DFA

68

Humingi ng paumanhin sa pamamagitan ng liham si United States Secretary of State Anthony Blinken kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr.

Kasunod ito ng pagkaudlot ng nakatakda sanang kauna-unahang pagpupulong ni Blinken sa sampung ambassador ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).


Ayon kay Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, imbes na hindi na ituloy ang pagpupulong ay gagawin na lamang ito sa pamamagitan ng virtual meeting.

Maraming plano at isyu naman ang layong mapag-usapan pero paglilinaw ni Romualdez ay wala pa itong tiyak na petsa.

Facebook Comments