US Secretary of State Mike Pompeo makikipag pulong kay Pangulong Duterte.

207

Magsasagawa ng courtesy call si US Secretary of State Mike Pompeo kay Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi na gagawin sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, inaasahang pag-uusapan ng dalawa ang mahahalagang issue na namamagitan sa pilipinas at sa estados unidos ng amerika.
Sinabi ni Panelo na kabilang dito ang issue ng seguridad at ng terorismo na parehong kinakaharap na problema ng dalawang bansa. Isa din naman aniya sa mga posibleng mapag-usapan ay ang mutual defense treaty ng Pilipinas at ng Amerika na binanggit narin ni Defense Secretary Selfin Lorenzana.

Facebook Comments