Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si US Secretary of State Mike Pompeo sa susunod na linggo.
Ayon kay US State Department Spokesman Robert Palladino, magkakaroon ng pulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pompeo mula February 28 hanggang March 1.
Pagkatapos ng kanyang Manila visit tutuloy si Pompeo sa Hanoi, Vietnam para samahan si US President Donald Trump sa isang summit kung saan makakaharap nila sa ikalawang pagkakataon si North Korean Leader Kim Jong Un.
Bagaman nananatiling kritiko ng Amerika si Duterte sabi ni Palladino ay naging maganda naman ang ugnayan nila ni Trump.
Facebook Comments