US Senate delegation bumisita sa Custodial Center ng PNP

Mainit na tinanggap ng pamunuan ng Philippine National Police ang delagasyon mula sa US Senate na bumisita kahapon sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba nagbigay sila nang nararapat na kortesiya at assistance sa nasabing foreign delegation kung saan ininspeksyon ng mga ito ang kalagayan ng mga nakapiit sa PNP Custodial Center.

Sinabi pa ni Gen. Alba na consistent sila sa pagpapatupad ng existing guidelines and procedures para sa visitorial privileges sa kanilang detention facility.


Pero hindi nila pinayagan ang direktang interaksyon o pakikipag-usap ng sinumang nakapiit sa detention facility sa US senate delegation alinsunod narin sa guidelines.

Sinabi pa ng opisyal na kung nanaisin man ng mga ito na makausap ng direkta ang isang inmate ay dapat may kautusan mula sa korte.

Ito’y dahil narin sa mahigpit na protocol na ipinatutupad dahil na rin sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments