United States – Hindi na matutuloy ang planong pagbebenta ng Amerika ng assault rifles sa Philippine National Police.Ito ay dahil sa pagkontra ni US Senator Ben Cardin, bunsod naman ng human rights violation sa Pilipinas.Matatandaang 26,000 assault rifles sana ang ibebenta ng Amerika sa Pilipinas.Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa, nakakapang-hinayang na hindi na matutuloy ang nasabing deal.Maging nitong nakalipas na linggo, sinuspinde rin ng San Francisco Police Department ang exchange training program nito sa pambansang pulisya.At dahil din ito sa mga alegasyon ng human rights violation sa isinusulong na kampanya kontra sa iligal na droga.Sabi pa ni Dela Rosa, makaka-apekto ang pagtanggi ng Amerika pero hahanap pa rin siya ng paraan alinsunod kay Pangulong Rodrigo Duterte na una nang idineklara ang independent foreign policy.
Us Senator Ben Cardin, Pinahaharang Ang Pagbebenta Ng Mga Armas Sa Pilipinas
Facebook Comments