US Senator Gardner,nag Courtesy Call kay Pangulong Duterte

173

Manila, Philippines – Nagkaroon ng courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte si US Senator Cory Gardner kagabi sa Villamor Airbase pagkagaling ng Pangulo sa Davao City.
Kasama ng Republican Senator si US Ambassador to the Philippines Sung Kim at iba pang Military officials ng Estados unidos ng Amerika.
Kasama naman ni Pangulong Duterte sina Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, Executive Secretary Salvador Medialdea, at National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Si Senator Gardner ay ang tumatayong chairman ng Subg-committee on East Asia and the Pacific and International Cybercrime Policy ng US.
DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments