US Senator John Mccain, na-diagnose na may brain cancer; pagbabalik trabaho, hindi pa tiyak

Amerika – Isinapubliko ngayon ng pamilya ni US Senator John Mccain na na-diagnose ang senador sa brain cancer.

Noong nakaraang July 14, sumailalim si Mccain sa isang procedure para alisin ang blood clot sa kanyang kaliwang mata sa Mayo Clinic Hospital sa Phoenix.

Lumabas sa laboratory test na primary brain tumor o “glioblastoma” ang dahilan ng blood clot.


Dahil dito, maaring dumaan ang senador sa kumbinasyon ng chemotherapy at radiation.

Sa ngayon, patuloy ang recovery ni Mccain kasama ang kaniyang pamilya sa Arizona.

Facebook Comments