US, tinabla ang rekomendasyong pagbawalan ang pagdaong ng mga cruise ship sa kanila

Tinabla ng White House ang rekomendasyon ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) na pagbawalan ang mga cruise ship na dumaong sa US hanggang Pebrero ng susunod na taon.

Ayon kay CDC Director Dr. Robert Redfield, nirerekomenda niyang pahabain pa ang pag-ban sa mga cruise ship na nakatakdang magtapos sa Oktubre 31 sa pag-aalalang baka maging ‘hot spots’ ng COVID-19 ang Florida.

Paalala pa ni Redfield na ang muling pagbubukas ng mga daungan ay maaaring magdulot ng mas malaking problema sa usapin ng kalusugan.


Facebook Comments