US, tiniyak na magbibigay ng supply ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas – Malacañang

Naghayag ng matibay na commitment ang Estados Unidos sa pagsu-supply ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas kapag ito ay naging available.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tiniyak ni US Secretary of State Mike Pompeo na may access ang Pilipinas sa kanilang dine-develop na bakuna.

Sinabi rin ni Roque na magandang balita ang inanunsyo ng Moderna Inc. na ang kanilang experimental vaccine laban sa COVID-19 ay epektibo.


Maliban sa US, sinabi ni Roque na nakakuha rin ang Pilipinas ng assurance mula sa China hinggil sa potential COVID-19 supply.

Nag-commit din ang United Kingdom sa World Health Organization (WHO) sa pagbibigay ng bakuna sa mga mahihirap na bansa.

Ang anunsyo ng Moderna ay nangyari pagkatapos lumabas ang resulta mula sa Pfizer na ang kanilang bakuna ay mabisa laban sa coronavirus infection.

Kaugnay nito, nagpapasalamat si Roque sa pagbaba ng COVID-19 positivity sa Mero Manila dahil sa pagsunod ng publiko sa mga paalala ng gobyerno.

Bago ito, nag-alok na rin ang Russia na suplayan ang Pilipinas ng kanilang bakuna na malugod na tinanggap ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments