Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si United States Vice President Kamala Harris na muling bumisita sa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng kanilang naging pag-uusap kahapon kung saan kinilala ng Pangulong Marcos Jr., ang mga naging progreso sa relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa mga nakalipas na taon.
Muling iginiit ni PBBM ang kahalagahan ng matibay na alyansa ng Pilipinas, US at Japan na kinikilala na rin ng ASEAN sa gitna ng isyu sa West Philippine Sea.
Kinilala rin ng Pangulo ang naging kontribusyon ni Harris sa Pilipinas para sa patuloy na kolaborasyon ng dalawang bansa.
Noong 2022, bumisita na si Harris sa Pilipinas at muli silang nagkita sa ilang pagbisita ni Pangulong Marcos Jr. sa Amerika at sa sidelines ng 43rd ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia noong 2023.