Nag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Malacañang si United States Vice President Kamala Harris.
Sa kanilang paghaharap sa Palasyo, sinabi ng pangulo sa harap ni Harris na ang pagbisita nito sa Pilipinas ay patunay ng malakas ang alyansa ng Pilipinas at Amerika.
Partikular aniya sa usapin ng politika, ekonomiya gayundin ng defense and security.
Sinabi naman ni US Vice President Kamala Harris na malaki ang pasasalamat niya sa mainit na pagtanggap sa kaniya sa Pilipinas at sa Palasyo.
Ipinaabot din nito ang suporta ng Amerika sa Pilipinas sa usapin ng international rules partikular na sa isyu ng South China Sea.
Iginiit din ni Harris na igigiit nila ang US defense commitment kung kinakailangan.
Bago ang pagpasok sa Palasyo, binigyan ng red carpert arrival honors si Harris sa Palace Ground.
Pumirma rin siya sa guest book ng Malacañang bago sila nag-usap ni PBBM.
Nakaharap din ni Harris sa Malacañang si Vice President Sara Duterte.