Manila, Philippijnes – Nagbabala ngayon ang US embassy laban sa mga indibidwal at grupong ginagamit ang pangalan ng embahada para makapang-scam kapalit ng pangakong approval ng U.S visa.
Ayon kay Consul General Russel Brown, bukod sa paghingi ng kwestyonableng halaga ng pera, humihingi rin ang mga ito ng mga kompidensyal na impormasyon sa gaya ng financial accounts sa mga biktima.
Ipinaalala rin ng Consul General na tanging ang mga may “.gov” na email ang valid at opisyal na address mula sa embahada.
Hinikayat din ni Brown ang applicants na maging tapat sa pagharap sa interview.
Facebook Comments