Manila, Philippines – Nananatiling hindi tiyak ang Malacañang kung bibisita ba si Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos kasunod ng pagbabalik ng Balangiga bells.
Nabatid na ang pagsasauli ng mga kampana ay isa sa mga kondisyon ng Pangulo bago bumisita sa Amerika.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – wala pa ring kasiguraduhan kung nais ni Duterte na bisitahin ang bansang madalas niyang binabanatan.
Paniniwala ni Panelo – ang malamig na temperatura sa Amerika ang ikinukunsidera ng Pangulo kaya ayaw pa muna nito na bumisita sa U.S.
Ipinagmalaki naman ng Palasyo ang strong political will ng Pangulo sa pagbabalik ng mga artifacts na pagmamay-ari ng Pilipinas.
Facebook Comments