Usa pinagkamalang magnanakaw sa Texas

Na wow mali ang pulisya sa Lufkin Texas matapos madiskubreng usa pala ang nakapasok sa nirespondehang bahay at hindi magnanakaw.

Ayon sa Lufkin Police Department, nakatanggap sila ng tawag mula sa may-ari na may kahinahinalang mga nilalang na pumasok sa loob ng kanyang tirahan. Agad itong pinuntahan ng otoridad at sa kalagitnaan ng kanilang operasyon, usa ang bumungad sa kanila.

Pinost nila ang nakuhang video sa kanilang Facebook at mababasa ang caption na:


“Several officers arrived and formed an entry team. Upon making entry through the broken window, the lead officer rounded a corner and came face to face with one very frightened doe.”

Maririnig ang pulis na sumisigaw nang “it’s a deer! it’s a deer! it’s a deer!”

Sa resulta ng imbestigasyon, hindi sinasadyangn nabasag ng usa ang harapang bintana ng bahay at nakulong ito sa loob. Tinulungan ng pulisya makalabas ang kaawa-awang hayop.

Walang tao o hayop na malubhang nasugatan sa insidente.

Facebook Comments